Friday, January 28, 2011

ACCOUNTANCY CLASS: JANUARY 24, 2011

PLEASE TAKE NOTE OF THE NEW LECTURE NOTES IN YOUR PAGE WITH EMPHASIS ON THE CLASSES OF SHARES FOR CORPORATIONS. THANKS

POL SCI 102 CLASS: READ ON FOR YOUR INFO

SEARCH WARRANT

A man’s home is his castle. Not even the king would dare desecrate it.
Kahit nakatira ka sa barong-barong at sabihin na nating isa ka lang iskwater, hindi pwede tumapak sa maputik mong sahig ang sinuman, pati ang presidente ng Pilipinas na walang pahintulot. Ito ang garantiya ng ating Saligang Batas.

Karapatan ng bawat tao ang seguridad ng kanyang sarili, tahanan, papeles, at ibang bagay laban sa hindi makatarungang paghahalughog at pagkumpiska na walang search warrant.

Para ipahiwatig ang kahalagahan ng ating karapatan laban sa unreasonable searches and seizures, idineklara ng ating Saligang Batas na anumang bagay na makukuha sa ganitong paraan ay hindi magagamit na ebidensiya sa ano mang kaso at sa anumang uri ng paglilitis.

Ito ang tinatawag na “fruit of the poisonous tree“.

Tumpak, kahit isang toneladang ecstacy ang makita ng mga pulis sa bahay mo, habang ikaw ay nakahiga sa kama ng mga dahon ng marijuana, kung wala silang search warrant, ay hindi ito magagamit bilang ebidensiya at tiyak laya ka.

Hindi ito ginawa upang protektahan ang mga kriminal, kundi para mag-ingat ang mga pulis at sumunod sa tamang proseso kung ayaw nilang masunog ang kanilang operasyon. Bukod pa yan sa kasong Violation of Domicile (Art.128 RPC) na kakaharapin ng mga pulis.

PROSESO NG PAG-ISYU NG SEARCH WARRANT
Ang proseso sa pagkuha ng search warrant ay halos katulad din ng proseso sa pagkuha ng warrant of arrest.
Una, ang search warrant ay iniisyu lang ng hukom, period. Walang kapangyarihan ang sinumang kernel, major, heneral na magpalabas ng search warrant.
Pangalawa, dapat may probable cause sa isang konektadong krimen ang pag-isyu ng search warrant na personal na denitermina ng hukom matapos niyang suriin ang testigo na nanumpa sa kanyang harapan.
Pangatlo, ang nasabing testigo ay dapat higit pa sa inyong tsismosang kapitbahay na puro sabi-sabi lang ang nalalaman.  Nararapat na meron siyang personal knowledge at kayang ilarawan ang partikular na bagay na kukunin at saang lugar matatagpuan.

Kapag nakumbinse ang hukom na may probable cause ay maaring mag-isyu siya ng search warrant ayon sa tamang form.

PERSONAL PROPERTY TO BE SEIZED
Hindi porke may search warrant na inisyu ang hukom ay walang patumanggang kukunin ng mga pulis ang kanilang magustuhan. Eto lang ang mga bagay na maaring kumpiskahin.
(1)  Bagay na kasama sa krimen (subject of the offense)
(2) Nakaw na bagay o bagay na bunga ng isang krimen ( fruit of the offense)
(3) Bagay na ginamit o gagamitin sa isang krimen (use or intended to be used as the means of committing an offense)

Kaya hindi pwedeng kunin ng pulis ang iyong iphone, laptop at rolex, kung ang nakalagay lang sa search warrant ay patungkol sa mga baril. Basta’t hindi ito kasama sa krimen, off-limits.

IN THE PRESENCE OF WITNESSES
Eto ang pinaka-importanteng bagay na dapat niyong malaman.  Hindi pwedeng maghalughog ang mga pulis na may search warrantsa inyong tahanan ng hindi ginagawa sa inyong harapan o sa harapan ng myembro ng inyong pamilya. Yan ay kung ayaw mo lang mawala ang bago mong Canon 7D dslr.

Kung walang tao sa bahay ay dapat gawin ang paghahanap sa harapan ng dalawang testigo na nasa tamang edad at pag-iisip na nakatira malapit sa inyo.

Tulad ng paalala sa atin ng BIR, humingi lagi ng resibo. Resibo kung saan nakasulat ang detalye ng bagay na kinuha ng mga pulis. Baka kasi magulat ka na lang at biglang may sumulpot ng 10 gramo ng shabu sa paglilitis ng hindi mo alam.

TIME OF MAKING SEARCH
Ang search warrant ay pinapatupad dapat sa araw at hindi parang isang magnanakaw na sasalakay ang mga pulis sa gitna ng malalim na gabi (unholy hour). Pwera na lang kung ang salaysay ng testigo na ang bagay na hinahanap ay nasa tao at nasa sa lugar at may direksiyon siyang maaring mahanap ito sa araw o gabi lamang.

VALIDITY OF SEARCH WARRANT
Ang search warrant ay may buhay lamang ng 10 araw, kaya tignang mabuti ang petsang nakasulat. Di’ tulad ng warrant of arrestna nakalutang lang sa ere hangga’t hindi nahuhuli ang akusado, ang search warrant ay napapanis.

MOTION TO QUASH
Kung ikaw ay biktima ng unlawful search and seizures, ang unang gagawin ng abugado mo ay ipapa-quash ang search warrantkung saan ipapadeklara niya itong walang bisa.

Kaya kung anuman ang nakuhang bagay ay hindi magamit laban sa iyo at maaring pang maibalik kung hindi siya kontrabando tulad ng droga o hindi lisensyadong baril, o hindi siya nakursunadahan ng mga pulis.

POL SCI 102 CLASS: READ ON FOR YOUR INFO

INFO ON WARRANTS OF ARREST:

SAMPLE OF A WARRANT OF ARREST


KAILAN MO BA MASASABI NA IKAW AY INAARESTO?

Ang pag-aresto ay ang pagkuha sa isang tao ng mga otoridad at ilagay sa kustodiya nila para panagutin sa mga krimeng kanyang maaring nagawa. Take note ninyo ng salitang “maari nagawa”, ibig sabihin, hindi pa napapatunayan ng husgado na may nagawa ka nga. Pero ikaw ay nilalagay sa kustodiya (under custody) ng batas dahil baka tumakbo ka raw at takasan ang iyong pananagutan.

Kung gusto mo pansamatalang lumaya habang nililitis ang kaso mo, ay pwede kang mag-apply ng bail o piyansa. Dahil kung tutuusin ay inosente ka pa rin hanggat ‘di pa napapatunayan na ikaw ay may sala (innocent until proven guilty).

At bawat isa sa atin, mayaman o mahirap, ay hindi pwedeng arestuhin ng basta-basta ng walang warrant of arrest. ‘Yan ay gina-garantiyahan mismo ng Saligang Batas (Constitution). At eto rin ang unang-unang hahanapin mo kapag pinipilit kang damputin ng mga otoridad ng walang dahilan. Kung hindi nadala ang mismong warrant of arrest ay dapat ipakita sa ‘yo matapos kang arestuhinas soon as practicable.

TANGING HUKOM
Ang warrant of arrest ay dapat nakasulat at pirmado ng hukom…at hukom lang. Hindi nagpapalabas ng warrant of arrest ang pulis, piskal, abogado, baranggay chairman, boy scout, cub scout at sino pang Ponsyo Pilato diyan. Kapag may pinakita sa iyongwarrant of arrest at pirmado ng isang “major” o “kernel” kuno, ay sirain mo sa harap nila at ibato mo pabalik. Pero kung may dala silang baril, e ngumiti ka na lang at tumawag ng abugado :)    
PROSESO
Bukod sa hukom lang ang nagpapalabas ng warrant of arrest, ay hindi ito basta-basta ini-issue. Mandamiento ng ating Saligang Batas na dapat may probabale cause na personal mismong inalam ng hukom, matapos niyang usisain ang nagrereklamo o testigo na nanumpa ayon sa batas (determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses).

At bago umabot sa lamesa ng hukom ang kaso mo ay dadaan muna yan sa Public Prosecutor’s Office o kilala sa tawag na fiscal. Tama, dapat kahit papaano ay nakatanggap ka muna ng subpoena sa fiscal bago isampa sa hukuman at magpalabas ng warrant of arrest ang hukom.

Kaya kung wala kang naa-alalang kaso sa fiscal at may warrant of arrest ka daw, mag-taka ka na, baka hulidap yan at peperahan ka lang.

PROBABLE CAUSE
Eto ang pinaka-importanteng dahilan para mag-issue ng warrant of arrest ang hukom. Kung walang probable cause ay walangwarant of arrest at maaring ma-dismiss na ng lubusan ang kaso mo.

Masasabing may probable cause, kung batay sa pangyayari, maniniwala ang isang resonable at maingat na tao na maaring nagawa mo nga ang krimen (lead a reasonably discreet and prudent man to believe that the crime was commited by the person to be arrested).

Ibig sabihin lang nun, common sense. Oo, sintido kumon lang, hindi mo na kailangang maging hukom. Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga nangyari, maniniwala ka na maaring nagawa nga niya ang krimen.

Pero hindi ibig sabihin na kung may probable cause ay guilty ka na agad. Syempre, magkakaroon pa ng paglilitis at mas lalalim ang kwento at maaring lumabas ang mga katotohanan. Nasa preliminary stage pa lang kasi ng pag-determine ng probable cause kaya marami pang pwede mangyari sa paglilitis at hindi malayong ma-acquit ang akusado kinalaunan.

WARRANTLESS ARREST
Meron ding mga kasong hindi na kailangan ng warrant of arrest. At sa mga kasong ito, ang pribadong taong tulad mo ay pwedeng makisaw-saw at makihuli na rin. Tinatawag natin yang citizen’s arrest.

(1)    Kung ang taong aarestuhin ay naka-gawa o may ginagawa nang krimen sa harap mo (has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense).

Syempre, kung may ginagawa nang kabulastugan sa harap mo yung tao, pupunta ka pa ba sa fiscal para magsampa ng kaso?

Nais ko pong linawin na kung nagpa-plano pa lang ang isang tao gumawa ng krimen ay hindi siya paparusahan ng batas (conspiracy to commit crime is not punishable). Pwera na lang kung pinag-iisipan nila ay ang mga krimeng treason, rebellion, insurrection, coup d’etat (kudeta), sedition o arson.

Kasi nasa utak niya pa lang yun at hindi pa ginagawa ang elemento ng krimen. Kaya kahit mukhang holdaper ang katabi mo sa dyip ay hindi mo pa siya pwedeng arestuhin, hanggat hindi siya nagdedeklara ng holdap o bumubunut ng patalim o baril at itinutok sa iyo o ibang pasahero. Malay mo talagang ganun lang ang mukha niya kasi ayaw maligo at hindi naman pala holdaper.

(2)    Kung may nangyaring krimen at base sa pangyayari ay may probable cause ka na ang taong aarestuhin mo ay ang gumawa ng krimen.

Ang pinagkaiba dito sa nauna ay hindi mo personal na nakita ang krimen o hindi nangyari sa harap mo. Pero base sa pangyayari ay naniniwala ka na ang taong aarestuhin mo ay ang gumawa ng krimen.

Halimbawa, may nakita kang bruskong lalake na tumatakbo papalapit sa ‘yo at may hawak na pambabaeng hand bag (kulay pink) at may babaeng sumisigaw ng “Snatcher! Snatcher!”
Ano iisipin mo?
(a) Yung lalake ay nag-jojoging lang at mahilig siya sa kulay pink na handbag? o
(b) Isa siyang snatcher at dapat mong arestuhin bilang mabuting mamamayan?
Sabi ko sa inyo, common sense lang ang probable cause.
(3)     Ang taong aarestuhin ay nakatakas na preso.

Sentensiyado na yan. Wala nang warrant of arrest na kailangan. Napatunayan na ng korte na gumawa siya ng krimen.

BREAK INTO BUILDING OR ENCLOSURE
Ang taong mag-aaresto ay may karapatang pumasok sa gusali kung naniniwala siya na ang aarestuhin ay nasa loob at ayaw siyang papasukin matapos magpakilala at magpakita ng warrant of arrest.

KARAPATAN NG NAARESTO
Karapatan naman ng naaresto na bisitahin at maka-usap ang kanyang abugado sa anumang oras, araw o gabi.

CONCLUSION
Inuulit ko, walang karapatan ang sinoman ang umaresto sa inyo ng walang warrant of arrest, pwera na lang sa mga exceptional cases na nabanggit ko.

Tuesday, January 11, 2011

POL SCI 102 CLASS

Room 35 has finished the Bill of Rights recitation and it was bloody. I gave the assignment last December and yet, only a few did their part. For the other sections, please inspire me. 

ACCOUNTANCY STUDES: What happened?

YOUR EXAM RESULTS ARE NOT INSPIRING... SOMETHING NEEDS TO BE DONE, DONT YOU THINK?

Friday, January 7, 2011

ACCOUNTANCY STUDENTS: Please be informed

POSTED ON JANUARY 7, 2010

YOUR LONG QUIZ WILL BE ON SUNDAY. THE FIRST BATCH WILL START AT 11:30 TO 1:00 PM AND THE SECOND BATCH WILL START AT 1:00 PM TO 2:30 PM. PLEASE DON'T TELL ME I DID NOT WARN YOU. THANKS AND GOOD LUCK. HAPPY NEW YEAR!

Sponsors

1. The Lord Almighty WANT TO BE IN THIS BOX? LEAVE ME A MESSAGE
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...