Magandang umaga po sa lahat.. ako ay estudyante ng WMSU – ZSSAT consortium Pagadian City. gusto ko lang po sanang isa-publiko ang mga problemang kinakaharap ng kapwa ko studyante ng skwelahang ito at maghanap ng kaukulang atensyon sa mga taong pwede kaming tulungan na nasa posisyon lalong lalo na ang department of education.. Kaming mga studyante at ang aming mga magulang ay lubos na nababahala sa aming kinabukasan hinggil sa problemang isinasantabi lamang ng Administrasyon ng kolehiyong ito. Isang araw, kami ay binisita ng WMSU Zamboanga Main Dean at mga kasamahan nya para magsagawa ng evaluation ukol lang sa thesis project namin... doon lahat nagsimula ang aming problema. Ayon sa mga nagsagawa ng evaluation ang skewalahang pinapasokan namin ay walang karapatan at hindi dapat mag-akda ng kursong Bachelor of in Computer Science at Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management ang skwelahan. Ayon sa kanila kolorom daw kami, sila din man ay nagulat kung bakit may gamitong mga kurso ang ZSSAT gayong hindi naman approbado nila ang skwelahan sa mga kursong nabanggit. Dagdag pa nila hindi mare-release ang aming mga T.O.R. at ayon sa Dean mismo hindi sya pepirma sa aming diploma kung sakali mang gagraduate kami kung hindi mare-resolba ang problema. Kami ay lubhang nabahala sa mga sinabi nila sa amin lalo na ako at kapwa ko 4th year BSCS huling taon na sana naming ito at kami ay makakagraduae na, ngunit mukhang Malabo na ang mga salitang ito lalo pa ngayon kalat na kalat na ang problemang ito. Nag-explain ang principal naming tungkol sa problema ipa-intindi nya sa amin ang lahat, ngunit pawang kasinungalingan lang ang aming narinig dahil second sem na ang problema ay wala pang solusyon, ng nag-enroll ang kaklase ko sya ay lubos na nagulat ng ang kursong BSCS ay nawala na, at pinalitan ito ng BSIT. Ano bang pinag-gagawa ng mga nasa administrasyon ng skwelahang ito para nila kaming pinaglalaruan sa mga aksyon nila. Sa pangyayaring ito lalo akong nawalan na pag-asa, pinatunayan lamang nila ang mga paratang sa kanila, lalong lalo na sa School Administrator naming. “Bakit umabot dito ang lahat? Apat na taon na kami sa skwelahan bat ngayon pa?” ang mga tanong na ito ang gumuhit agad sa pananaw ko. “pano ang kinabukasan namin?”. Ang mga magulang namin na umaasa na kami ay ga-graduate na may alam at nasa panahon. Naaawa ako sa mga magulang ko na ginagawa ang lahat para sa pag-aaral ko ngunit maaring mapunta lang sa wala ang lahat dahil sa mga taong tiwali at walang pakialam sa mga taong maapektohan sa mga ginagawa nila.
Tulungan ninyo kami….
Karagdagang impormasyon sa skwlahan:
Courses: BSIT(Industrial Technology), BSCS, BSHRM, BSIE
Consortium definition(Based on dictionary): is an association of two or more individuals, companies or organization of government (or any combination of these entitles with objective in common activity or pooling their resources for achieving their common goal.
WHAT CAN YOU SAY ABOUT THIS PROBLEM?
Blogger Templates