PLEASE TAKE NOTE OF THE NEW LECTURE NOTES IN YOUR PAGE WITH EMPHASIS ON THE CLASSES OF SHARES FOR CORPORATIONS. THANKS
Friday, January 28, 2011
POL SCI 102 CLASS: READ ON FOR YOUR INFO
SEARCH WARRANT
“A man’s home is his castle. Not even the king would dare desecrate it.”
Kahit nakatira ka sa barong-barong at sabihin na nating isa ka lang iskwater, hindi pwede tumapak sa maputik mong sahig ang sinuman, pati ang presidente ng Pilipinas na walang pahintulot. Ito ang garantiya ng ating Saligang Batas.
Karapatan ng bawat tao ang seguridad ng kanyang sarili, tahanan, papeles, at ibang bagay laban sa hindi makatarungang paghahalughog at pagkumpiska na walang search warrant.
Para ipahiwatig ang kahalagahan ng ating karapatan laban sa unreasonable searches and seizures, idineklara ng ating Saligang Batas na anumang bagay na makukuha sa ganitong paraan ay hindi magagamit na ebidensiya sa ano mang kaso at sa anumang uri ng paglilitis.
Ito ang tinatawag na “fruit of the poisonous tree“.
Tumpak, kahit isang toneladang ecstacy ang makita ng mga pulis sa bahay mo, habang ikaw ay nakahiga sa kama ng mga dahon ng marijuana, kung wala silang search warrant, ay hindi ito magagamit bilang ebidensiya at tiyak laya ka.
Hindi ito ginawa upang protektahan ang mga kriminal, kundi para mag-ingat ang mga pulis at sumunod sa tamang proseso kung ayaw nilang masunog ang kanilang operasyon. Bukod pa yan sa kasong Violation of Domicile (Art.128 RPC) na kakaharapin ng mga pulis.
PROSESO NG PAG-ISYU NG SEARCH WARRANT
Ang proseso sa pagkuha ng search warrant ay halos katulad din ng proseso sa pagkuha ng warrant of arrest.
Una, ang search warrant ay iniisyu lang ng hukom, period. Walang kapangyarihan ang sinumang kernel, major, heneral na magpalabas ng search warrant.
Pangalawa, dapat may probable cause sa isang konektadong krimen ang pag-isyu ng search warrant na personal na denitermina ng hukom matapos niyang suriin ang testigo na nanumpa sa kanyang harapan.
Pangatlo, ang nasabing testigo ay dapat higit pa sa inyong tsismosang kapitbahay na puro sabi-sabi lang ang nalalaman. Nararapat na meron siyang personal knowledge at kayang ilarawan ang partikular na bagay na kukunin at saang lugar matatagpuan.
Kapag nakumbinse ang hukom na may probable cause ay maaring mag-isyu siya ng search warrant ayon sa tamang form.
PERSONAL PROPERTY TO BE SEIZED
Hindi porke may search warrant na inisyu ang hukom ay walang patumanggang kukunin ng mga pulis ang kanilang magustuhan. Eto lang ang mga bagay na maaring kumpiskahin.
(1) Bagay na kasama sa krimen (subject of the offense)
(2) Nakaw na bagay o bagay na bunga ng isang krimen ( fruit of the offense)
(3) Bagay na ginamit o gagamitin sa isang krimen (use or intended to be used as the means of committing an offense)
Kaya hindi pwedeng kunin ng pulis ang iyong iphone, laptop at rolex, kung ang nakalagay lang sa search warrant ay patungkol sa mga baril. Basta’t hindi ito kasama sa krimen, off-limits.
IN THE PRESENCE OF WITNESSES
Eto ang pinaka-importanteng bagay na dapat niyong malaman. Hindi pwedeng maghalughog ang mga pulis na may search warrantsa inyong tahanan ng hindi ginagawa sa inyong harapan o sa harapan ng myembro ng inyong pamilya. Yan ay kung ayaw mo lang mawala ang bago mong Canon 7D dslr.
Kung walang tao sa bahay ay dapat gawin ang paghahanap sa harapan ng dalawang testigo na nasa tamang edad at pag-iisip na nakatira malapit sa inyo.
Tulad ng paalala sa atin ng BIR, humingi lagi ng resibo. Resibo kung saan nakasulat ang detalye ng bagay na kinuha ng mga pulis. Baka kasi magulat ka na lang at biglang may sumulpot ng 10 gramo ng shabu sa paglilitis ng hindi mo alam.
TIME OF MAKING SEARCH
Ang search warrant ay pinapatupad dapat sa araw at hindi parang isang magnanakaw na sasalakay ang mga pulis sa gitna ng malalim na gabi (unholy hour). Pwera na lang kung ang salaysay ng testigo na ang bagay na hinahanap ay nasa tao at nasa sa lugar at may direksiyon siyang maaring mahanap ito sa araw o gabi lamang.
VALIDITY OF SEARCH WARRANT
Ang search warrant ay may buhay lamang ng 10 araw, kaya tignang mabuti ang petsang nakasulat. Di’ tulad ng warrant of arrestna nakalutang lang sa ere hangga’t hindi nahuhuli ang akusado, ang search warrant ay napapanis.
MOTION TO QUASH
Kung ikaw ay biktima ng unlawful search and seizures, ang unang gagawin ng abugado mo ay ipapa-quash ang search warrantkung saan ipapadeklara niya itong walang bisa.
Kaya kung anuman ang nakuhang bagay ay hindi magamit laban sa iyo at maaring pang maibalik kung hindi siya kontrabando tulad ng droga o hindi lisensyadong baril, o hindi siya nakursunadahan ng mga pulis.
Labels:
search warrants
POL SCI 102 CLASS: READ ON FOR YOUR INFO
INFO ON WARRANTS OF ARREST:
| SAMPLE OF A WARRANT OF ARREST |
KAILAN MO BA MASASABI NA IKAW AY INAARESTO?
Ang pag-aresto ay ang pagkuha sa isang tao ng mga otoridad at ilagay sa kustodiya nila para panagutin sa mga krimeng kanyang maaring nagawa. Take note ninyo ng salitang “maari nagawa”, ibig sabihin, hindi pa napapatunayan ng husgado na may nagawa ka nga. Pero ikaw ay nilalagay sa kustodiya (under custody) ng batas dahil baka tumakbo ka raw at takasan ang iyong pananagutan.
Kung gusto mo pansamatalang lumaya habang nililitis ang kaso mo, ay pwede kang mag-apply ng bail o piyansa. Dahil kung tutuusin ay inosente ka pa rin hanggat ‘di pa napapatunayan na ikaw ay may sala (innocent until proven guilty).
At bawat isa sa atin, mayaman o mahirap, ay hindi pwedeng arestuhin ng basta-basta ng walang warrant of arrest. ‘Yan ay gina-garantiyahan mismo ng Saligang Batas (Constitution). At eto rin ang unang-unang hahanapin mo kapag pinipilit kang damputin ng mga otoridad ng walang dahilan. Kung hindi nadala ang mismong warrant of arrest ay dapat ipakita sa ‘yo matapos kang arestuhinas soon as practicable.
TANGING HUKOM
Ang warrant of arrest ay dapat nakasulat at pirmado ng hukom…at hukom lang. Hindi nagpapalabas ng warrant of arrest ang pulis, piskal, abogado, baranggay chairman, boy scout, cub scout at sino pang Ponsyo Pilato diyan. Kapag may pinakita sa iyongwarrant of arrest at pirmado ng isang “major” o “kernel” kuno, ay sirain mo sa harap nila at ibato mo pabalik. Pero kung may dala silang baril, e ngumiti ka na lang at tumawag ng abugado
PROSESO
Bukod sa hukom lang ang nagpapalabas ng warrant of arrest, ay hindi ito basta-basta ini-issue. Mandamiento ng ating Saligang Batas na dapat may probabale cause na personal mismong inalam ng hukom, matapos niyang usisain ang nagrereklamo o testigo na nanumpa ayon sa batas (determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses).
At bago umabot sa lamesa ng hukom ang kaso mo ay dadaan muna yan sa Public Prosecutor’s Office o kilala sa tawag na fiscal. Tama, dapat kahit papaano ay nakatanggap ka muna ng subpoena sa fiscal bago isampa sa hukuman at magpalabas ng warrant of arrest ang hukom.
Kaya kung wala kang naa-alalang kaso sa fiscal at may warrant of arrest ka daw, mag-taka ka na, baka hulidap yan at peperahan ka lang.
PROBABLE CAUSE
Eto ang pinaka-importanteng dahilan para mag-issue ng warrant of arrest ang hukom. Kung walang probable cause ay walangwarant of arrest at maaring ma-dismiss na ng lubusan ang kaso mo.
Masasabing may probable cause, kung batay sa pangyayari, maniniwala ang isang resonable at maingat na tao na maaring nagawa mo nga ang krimen (lead a reasonably discreet and prudent man to believe that the crime was commited by the person to be arrested).
Ibig sabihin lang nun, common sense. Oo, sintido kumon lang, hindi mo na kailangang maging hukom. Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga nangyari, maniniwala ka na maaring nagawa nga niya ang krimen.
Pero hindi ibig sabihin na kung may probable cause ay guilty ka na agad. Syempre, magkakaroon pa ng paglilitis at mas lalalim ang kwento at maaring lumabas ang mga katotohanan. Nasa preliminary stage pa lang kasi ng pag-determine ng probable cause kaya marami pang pwede mangyari sa paglilitis at hindi malayong ma-acquit ang akusado kinalaunan.
WARRANTLESS ARREST
Meron ding mga kasong hindi na kailangan ng warrant of arrest. At sa mga kasong ito, ang pribadong taong tulad mo ay pwedeng makisaw-saw at makihuli na rin. Tinatawag natin yang citizen’s arrest.
(1) Kung ang taong aarestuhin ay naka-gawa o may ginagawa nang krimen sa harap mo (has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense).
Syempre, kung may ginagawa nang kabulastugan sa harap mo yung tao, pupunta ka pa ba sa fiscal para magsampa ng kaso?
Nais ko pong linawin na kung nagpa-plano pa lang ang isang tao gumawa ng krimen ay hindi siya paparusahan ng batas (conspiracy to commit crime is not punishable). Pwera na lang kung pinag-iisipan nila ay ang mga krimeng treason, rebellion, insurrection, coup d’etat (kudeta), sedition o arson.
Kasi nasa utak niya pa lang yun at hindi pa ginagawa ang elemento ng krimen. Kaya kahit mukhang holdaper ang katabi mo sa dyip ay hindi mo pa siya pwedeng arestuhin, hanggat hindi siya nagdedeklara ng holdap o bumubunut ng patalim o baril at itinutok sa iyo o ibang pasahero. Malay mo talagang ganun lang ang mukha niya kasi ayaw maligo at hindi naman pala holdaper.
(2) Kung may nangyaring krimen at base sa pangyayari ay may probable cause ka na ang taong aarestuhin mo ay ang gumawa ng krimen.
Ang pinagkaiba dito sa nauna ay hindi mo personal na nakita ang krimen o hindi nangyari sa harap mo. Pero base sa pangyayari ay naniniwala ka na ang taong aarestuhin mo ay ang gumawa ng krimen.
Halimbawa, may nakita kang bruskong lalake na tumatakbo papalapit sa ‘yo at may hawak na pambabaeng hand bag (kulay pink) at may babaeng sumisigaw ng “Snatcher! Snatcher!”
Ano iisipin mo?
(a) Yung lalake ay nag-jojoging lang at mahilig siya sa kulay pink na handbag? o
(b) Isa siyang snatcher at dapat mong arestuhin bilang mabuting mamamayan?
Sabi ko sa inyo, common sense lang ang probable cause.
(3) Ang taong aarestuhin ay nakatakas na preso.
Sentensiyado na yan. Wala nang warrant of arrest na kailangan. Napatunayan na ng korte na gumawa siya ng krimen.
BREAK INTO BUILDING OR ENCLOSURE
Ang taong mag-aaresto ay may karapatang pumasok sa gusali kung naniniwala siya na ang aarestuhin ay nasa loob at ayaw siyang papasukin matapos magpakilala at magpakita ng warrant of arrest.
KARAPATAN NG NAARESTO
Karapatan naman ng naaresto na bisitahin at maka-usap ang kanyang abugado sa anumang oras, araw o gabi.
CONCLUSION
Inuulit ko, walang karapatan ang sinoman ang umaresto sa inyo ng walang warrant of arrest, pwera na lang sa mga exceptional cases na nabanggit ko.
Labels:
warrant of arrest
Tuesday, January 11, 2011
POL SCI 102 CLASS
Room 35 has finished the Bill of Rights recitation and it was bloody. I gave the assignment last December and yet, only a few did their part. For the other sections, please inspire me.
Friday, January 7, 2011
ACCOUNTANCY STUDENTS: Please be informed
POSTED ON JANUARY 7, 2010
YOUR LONG QUIZ WILL BE ON SUNDAY. THE FIRST BATCH WILL START AT 11:30 TO 1:00 PM AND THE SECOND BATCH WILL START AT 1:00 PM TO 2:30 PM. PLEASE DON'T TELL ME I DID NOT WARN YOU. THANKS AND GOOD LUCK. HAPPY NEW YEAR!
Saturday, December 18, 2010
CRIMINOLOGY STUDES: Photos at the Testimonial and Badging Ceremonies
The photos (some are featured here) are already uploaded at my Facebook Profile. Please go there to see it. Thank you for your cooperation. We hope you were inspired listening to the board passers. Indeed, poverty SHOULD NEVER be a hindrance to your dreams.
Sunday, December 5, 2010
GOOD LUCK MR JONEL BABA: keep the fire burning!
we sould like to say GOOD LUCK to our very own MR JONEL BABA in his quest for gold as we, for the first time will compete in the oratorical guild at the WMSU MAIN campus. MAKE US PROUD, JONEL.
Blogger Templates
CRIMINOLOGY STUDENTS
please hand in your contributions for the testimonial dinner, badging ceremony and christmas party ASAP. The hotel is asking us to pay early as there are a lot of offices who wants to get our date also for their parties, it is december as you see. thank you.

Blogger Templates
Blogger Templates
ACCOUNTANCY PEOPLE: SORRY
i am really sorry for having been absent today due to personal matters that need to be addressed the soonest. i hope you will understand me. there really are times that we given in to pressure, and will be up and about tomorrow.thanks and good luck.
-----------------------

Blogger Templates
-----------------------
Blogger Templates
Wednesday, December 1, 2010
WMSU ESU ZSSAT STUDE AIRS HIS PROBLEM
Magandang umaga po sa lahat.. ako ay estudyante ng WMSU – ZSSAT consortium Pagadian City. gusto ko lang po sanang isa-publiko ang mga problemang kinakaharap ng kapwa ko studyante ng skwelahang ito at maghanap ng kaukulang atensyon sa mga taong pwede kaming tulungan na nasa posisyon lalong lalo na ang department of education.. Kaming mga studyante at ang aming mga magulang ay lubos na nababahala sa aming kinabukasan hinggil sa problemang isinasantabi lamang ng Administrasyon ng kolehiyong ito. Isang araw, kami ay binisita ng WMSU Zamboanga Main Dean at mga kasamahan nya para magsagawa ng evaluation ukol lang sa thesis project namin... doon lahat nagsimula ang aming problema. Ayon sa mga nagsagawa ng evaluation ang skewalahang pinapasokan namin ay walang karapatan at hindi dapat mag-akda ng kursong Bachelor of in Computer Science at Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management ang skwelahan. Ayon sa kanila kolorom daw kami, sila din man ay nagulat kung bakit may gamitong mga kurso ang ZSSAT gayong hindi naman approbado nila ang skwelahan sa mga kursong nabanggit. Dagdag pa nila hindi mare-release ang aming mga T.O.R. at ayon sa Dean mismo hindi sya pepirma sa aming diploma kung sakali mang gagraduate kami kung hindi mare-resolba ang problema. Kami ay lubhang nabahala sa mga sinabi nila sa amin lalo na ako at kapwa ko 4th year BSCS huling taon na sana naming ito at kami ay makakagraduae na, ngunit mukhang Malabo na ang mga salitang ito lalo pa ngayon kalat na kalat na ang problemang ito. Nag-explain ang principal naming tungkol sa problema ipa-intindi nya sa amin ang lahat, ngunit pawang kasinungalingan lang ang aming narinig dahil second sem na ang problema ay wala pang solusyon, ng nag-enroll ang kaklase ko sya ay lubos na nagulat ng ang kursong BSCS ay nawala na, at pinalitan ito ng BSIT. Ano bang pinag-gagawa ng mga nasa administrasyon ng skwelahang ito para nila kaming pinaglalaruan sa mga aksyon nila. Sa pangyayaring ito lalo akong nawalan na pag-asa, pinatunayan lamang nila ang mga paratang sa kanila, lalong lalo na sa School Administrator naming. “Bakit umabot dito ang lahat? Apat na taon na kami sa skwelahan bat ngayon pa?” ang mga tanong na ito ang gumuhit agad sa pananaw ko. “pano ang kinabukasan namin?”. Ang mga magulang namin na umaasa na kami ay ga-graduate na may alam at nasa panahon. Naaawa ako sa mga magulang ko na ginagawa ang lahat para sa pag-aaral ko ngunit maaring mapunta lang sa wala ang lahat dahil sa mga taong tiwali at walang pakialam sa mga taong maapektohan sa mga ginagawa nila.
Tulungan ninyo kami….
Karagdagang impormasyon sa skwlahan:
Courses: BSIT(Industrial Technology), BSCS, BSHRM, BSIE
Consortium definition(Based on dictionary): is an association of two or more individuals, companies or organization of government (or any combination of these entitles with objective in common activity or pooling their resources for achieving their common goal.
WHAT CAN YOU SAY ABOUT THIS PROBLEM?
Blogger Templates
Labels:
unapproved curriculum,
wmsu esu pagadian,
WMSU ZSSAT
Monday, November 29, 2010
WARM WELCOME TO THE ACCOUNTANCY PEOPLE
By now you already have been advised about this blog. Please make use of it and treat it as your partner in the learning process. Good luck and please make sure you also have clicked the Grade Requirements button.Thank you.
Blogger Templates
Labels:
wmsu esu pagadian
Saturday, November 27, 2010
ENGLISH 109: HABITS FOR EFFECTIVE LISTENING. CHECK ON NEW COMPILATION
At the end of the compilation, there is a quiz that you must do with someone you regularly communicate with. Let the other person, your friend perhaps to answer the questions for you. Let us check it together and discuss the evaluation. REMEMBER, THE FIRST AND LAST RULE ON EFFECTIVE SPEAKING IS TO LISTEN. Good luck.
Thursday, November 25, 2010
TO ALL CRIM STUDENTS
Once again, our department will be holding its Annual Testimonial Dinner and Badging Ceremony on December 17, 2010 at the Hotel Guillermo. You are reminded of your contributions P300.00 per student to cover the cost of the dinner, tokens and other expenses relative to the event. The deadline of contributions is on December 3, 2010. Please hand it to your class treasurers. The Christmas Party is also be scheduled on the same date to cut off additional costs. BE THERE ON YOUR SMART CASUAL ATTIRES.
Labels:
testimonial dinner,
wmsu esu pagadian
ENGLISH 109: NEW POST NOW AVAILABLE
HI. Compilation 3 is now available, familiarize it now while we still are far from the topic, soon you will be writing your own pieces. Thanks
Labels:
wmsu esu pagadian
Wednesday, November 24, 2010
Leave Messages
You can now leave your messages at the bottom of the page. If you do, please identify yourselves and please be decent with your messages. Thank you.
Tuesday, November 23, 2010
LAW 105: ACCOUNTANCY CLASS, PLEASE READ
A sample copy of an Articles of Paretnership is posted at your page, click on the page and make sure you are familiar with the same as this will help you understand Partnerships. Thank you and best of luck.
ENG 109: New Reading Assignment available
Today is November 23, 2010. There is a new compilation featured at your page, ENGLISH 109. Click on it and find Definitions and Fallacies and other important terms and their meanings. PLEASE STUDY AND UNDERSTAND THE SAME. It is very important. Thank you.
Labels:
criminology,
wmsu esu pagadian
OUR CONDOLENCES
In behalf of the students under my class, we wish to extend our deepest condolences to our very own MR ALBERT PAULINO for the demise of his father. May the Lord be with you and your family in your hour of grief.
Labels:
condolence,
criminology,
wmsu esu pagadian
Monday, November 22, 2010
TO ALL STUDENTS:
Don't leave answers to your assignments in this blog as comments. I WILL NEVER READ THEM, IF EVER. I will give clear instructions in each entry and please follow them. Soon, I shall require you to send your answers in the email but not for now. Thank you.
Click on followers below so I may know that you have been here.
Labels:
criminology,
wmsu esu pagadian
Subscribe to:
Posts (Atom)
Sponsors
1. The Lord Almighty
WANT TO BE IN THIS BOX? LEAVE ME A MESSAGE






